AGOS SA PAGBABAGO

Isang Pagsusuring Papel Tungkol sa Problema ng Flood sa Pilipinas

Inihanda nina: Chloe Rustia, Ryme Encanto, Danielle Panganiban, Juachim Lucero, at Sherine Ilapan | Baitang 9 - Justice

EPT PERFORMANCE TASK
Araling Panlipunan 9 + ICT 9


CONTENTS

01 | Ang Suliranin | 02 | Bakit nagkakabaha sa Pilipinas? | 03 | Epekto sa Pamilya | 04 | Ang Kaugnay na SDG | 05 | Mga Posibleng Solusyon | 06 | Paghahambing | 07 | Pinakamatalinong Desisyon | 08 | Paano Ito Maisasagawa? | 09 | Inaasahang Resulta | 10 | Konklusyon


01 | ANG SULIRANIN


Isa sa mga napapansing suliranin ng maraming Pilipino ay ang pagbaha sa Pilipinas. Ang suliranin sa pagbaha sa Pilipinas ay isang paulit-ulit at malubhang isyu na nakakaapekto sa milyun-milyong mamamayan taun-taon. Dahil ang bansa ay isang arkipelago na matatagpuan sa Pacific Typhoon Belt, natural itong dinaraanan ng humigit-kumulang 20 bagyo kada taon. Gayunpaman, ang tindi ng pagbaha ay pinalalala rin ng mga aktibidad ng tao at kakulangan sa imprastraktura

Ayon sa Philippine Statistics Authority, ang pagbaha sa Pilipinas ay ang pinakamadalas maitalang uri ng sakuna (small-scale natural hazard), na bumubuo sa 23.6% ng lahat ng mga insidente sa bansa.

Batay sa data ng International Disaster Database (EM-DAT), ang Pilipinas ay hinalos ng 109 malalaking baha sa nakalipas na 24 taon (2000-2024), na sumasakop sa halos dalawang-katlo (2/3) ng lahat ng naitalang kalamidad sa bansa.

SA ISANG TINGIN
23.6%
Binubuo ng lahat nang insidente sa pagbaha ng bansa.
109
Ang malalaking baha sa nakalipas na 24 taon.

02 | BAKIT BUMABAHA?


Nagkakaroon ng baha sa Pilipinas dahil sa kombinasyon ng likas na heograpiya ng bansa at mga aktibidad ng tao na sumisira sa kapaligiran. Bilang isang kapuluan na matatagpuan sa Pacific Typhoon Belt, madalas makaranas ang bansa ng matitinding bagyo at ulan.

Mahahalagang salik:


SA LIKOD NG BAHA

Aktwal na sitwasyon ng pagsagip sa nga pamilyang naapektuhan ng baha dulot ng malakas na ulan at bagyo.

03 | EPEKTO SA PAMILYA


Ang mga pangunahing epekto ng pagbaha sa pamilya ay kinabibilangan ng malubhang banta sa kalusugan, malaking pagkalugi sa pananalapi, at matinding epekto sa emosyonal at sikolohikal na kalagayan ng bawat miyembro.

  1. Pagkakasakit: Pagkalat ng leptospirosis, diarrhea, at lagnat dahil sa maruming tubig.
  2. Sira na Bahay: Pagkawasak ng kagamitan, kasangkapan, at ng mismong tirahan.
  3. Gipit sa Pera: Pagkawala ng kita sa trabaho at dagdag-gastos sa pagpapatayo ng bahay.
  4. Takot at Stress: Trauma at matinding pag-aalala ng pamilya tuwing may ulan.

04 | ANG KAUGNAY NA SDG


SDG 13: Climate Action

"We cannot stop the storms, but we can change our actions. Fight climate change today for a flood-free tomorrow."

Ang suliranin ng presyo at access sa pagkain ay may malinaw na kaugnayan sa SDG 13: Climate Action. Nakatuon ito sa pagpapalakas ng kakayahan ng Pilipinas na lumaban at bumangon sa mga sakuna tulad ng malalakas na bagyo at matitinding pagbaha na dulot ng pagbabago ng klima.


05 | MGA POSIBLENG SOLUSYON


Walang iisang simpleng paraan upang malutas ang problemang ito. Ilang posibleng hakbang ay:

POSIBLENG HAKBANG

Maiiiwasan ang baha sa pamamagitan ng tamang pagtatapon ng basura, paglilinis ng mga kanal, at pagtatanim ng mga puno.

06 | PAGHAHAMBING NG MGA SOLUSYON


Retensiyon at Detention Ponds
Bentahe: Naiipon ang labis na tubig-ulan para hindi bumaha sa kalye.
Disbentahe: Malaki ang kinakailangang espasyo at maaaring pamahayan ng lamok.

Wastong Pagtatapon ng Basura
Bentahe: Mura at kayang gawin agad ng bawat tao sa komunidad.
Disbentahe: Mahirap baguhin ang nakasanayang ugali at disiplina ng mamamayan.

Reforestation
Bentahe: Likas na sumisipsip ng tubig at pumipigil sa landslide.
Disbentahe: Matagal bago lumaki ang mga puno para maging epektibo.

07 | ANG PINAKAMATALINONG DESISYON


AMING PANININDIGAN

Para sa aming pangkat, ang pinakamatalinong desisyon ay ang pagtutulungan ng komunidad upang maiwasan at mabawasan ang epekto ng baha. Kabilang dito ang tamang pagtatapon ng basura, paglilinis ng mga kanal, pagpapabut

Hindi sapat na solusyon ang pagtulong lamang kapag may baha na. Mas makabuluhan ang isang pangmatagalang solusyon na tumitingin sa ugat ng problema, tulad ng pagbabara ng mga kanal, maling pagtatapon ng basura, at kakulangan sa maayos na flood control at drainage system.

Ang pinakamatalinong solusyon ay hindi lamang mabilis; dapat din itong pangmatagalan at makakatulong sa lahat.

Sa ganitong paraan, mas nagiging konektado ang solusyon sa SDG 13: Climate Action dahil hindi lamang nito tinutugunan ang baha, kundi pati ang paghahanda at pag-angkop sa mga epekto ng pagbabago ng klima.

08 | PAANO ITO MAISASAGAWA?


  1. Linisin nang regular ang mga kanal at estero upang maiwasan ang pagbabara at pag-apaw ng tubig.
  2. Ayusin at pagbutihin ang drainage at flood control systems sa mga lugar na madalas bahain.
  3. Magbigay ng malinaw na babala at impormasyon tungkol sa paparating na bagyo at baha.
  4. Hikayatin ang mga tao na tamang magtapon ng basura upang hindi ito mapunta sa mga kanal at ilog.
  5. Magtanim ng mas maraming puno at pangalagaan ang kalikasan upang makatulong sa pagbawas ng epekto ng pagbaha at climate change.

09 | INAASAHANG RESULTA

WHAT WE WANT TO SEE

Kung maayos na maipapatupad ang mga solusyon, magkakaroon tayo ng mas magandang drainage system, mas matibay na flood control, at mas ligtas na evacuation centers para sa lahat.

Hindi naman ibig sabihin nito na mawawala agad ang baha nang 100%. Pero ang layunin ay magkaroon tayo ng mas handang komunidad tuwing may bagyo, malakas na ulan, at pagbaha.

10 | KONKLUSYON


Ang problema sa baha ay hindi lang basta perwisyo sa kalsada. Isa itong malaking isyu na may kinalaman sa tapon ng basura, sirang kanal, at kaligtasan ng bawat isa.

Ayon sa datos ng PAGASA at NDRRMC, malaking banta pa rin ang baha sa ating bansa, lalo na sa mga pamilyang nakatira sa mga mababang lugar.

Para sa amin, ang pinakamagandang solusyon ay ang pagsasama ng matibay na flood control project, disiplina sa pagtatapon ng basura, at tamang kaalaman ng mga tao tuwing may kalamidad.

"Hindi natin mapipigilan ang ulan, pero kaya nating pigilan ang baha."


SOURCES

Philippine Statistics Authority

PAGASA

United Nations
Sustainable Development Goals 13: Climate Action

EPT Performance Task | Araling Panlipunan 9 + ICT 9
Grade 9 Justice