Isa sa mga napapansing suliranin ng maraming Pilipino ay ang pagbaha sa Pilipinas.
Ang suliranin sa pagbaha sa Pilipinas ay isang paulit-ulit at malubhang isyu na nakakaapekto sa milyun-milyong mamamayan taun-taon. Dahil ang bansa ay isang arkipelago na matatagpuan sa Pacific Typhoon Belt, natural itong dinaraanan ng humigit-kumulang 20 bagyo kada taon. Gayunpaman, ang tindi ng pagbaha ay pinalalala rin ng mga aktibidad ng tao at kakulangan sa imprastraktura
Ayon sa Philippine Statistics Authority, ang pagbaha sa Pilipinas ay ang pinakamadalas maitalang uri ng sakuna (small-scale natural hazard), na bumubuo sa 23.6% ng lahat ng mga insidente sa bansa.
Batay sa data ng International Disaster Database (EM-DAT), ang Pilipinas ay hinalos ng 109 malalaking baha sa nakalipas na 24 taon (2000-2024), na sumasakop sa halos dalawang-katlo (2/3) ng lahat ng naitalang kalamidad sa bansa.
02 | BAKIT BUMABAHA?
Nagkakaroon ng baha sa Pilipinas dahil sa kombinasyon ng likas na heograpiya ng bansa at mga aktibidad ng tao na sumisira sa kapaligiran. Bilang isang kapuluan na matatagpuan sa Pacific Typhoon Belt, madalas makaranas ang bansa ng matitinding bagyo at ulan.
Mahahalagang salik:
Malakas na Ulan: Sobrang tubig mula sa bagyo o habagat.
Mababang Lugar: Mga lugar na sadyang saluhan ng tubig.
High Tide: Pagtaas ng dagat kaya hindi makadaloy pabalik ang tubig.
Baradong Kanal: Mga basurang humaharang sa daluyan ng tubig.
Pagkakalbo ng Bundok: Wala nang mga puno na sumisipsip sa ulan.
03 | EPEKTO SA PAMILYA
Ang mga pangunahing epekto ng pagbaha sa pamilya ay kinabibilangan ng malubhang banta sa kalusugan, malaking pagkalugi sa pananalapi, at matinding epekto sa emosyonal at sikolohikal na kalagayan ng bawat miyembro.
Pagkakasakit: Pagkalat ng leptospirosis, diarrhea, at lagnat dahil sa maruming tubig.
Sira na Bahay: Pagkawasak ng kagamitan, kasangkapan, at ng mismong tirahan.
Gipit sa Pera: Pagkawala ng kita sa trabaho at dagdag-gastos sa pagpapatayo ng bahay.
Takot at Stress: Trauma at matinding pag-aalala ng pamilya tuwing may ulan.
04 | ANG KAUGNAY NA SDG
05 | MGA POSIBLENG SOLUSYON
Walang iisang simpleng paraan upang malutas ang problemang ito. Ilang posibleng hakbang ay:
Paggawa ng mga Retensiyon at Detention Ponds - Pagtatayo ng mga underground tank o sunken lawn na sumisipsip at nagtitipon ng labis na tubig-ulan.
Wastong Pagtatapon ng Basura - Pagbawal sa pagtatapon ng dumi sa mga ilog at kalsada.
Reforestation - Pagtatanim muli ng mga puno sa mga nakalbong bundok at gubat.
Maayos na Urban Planning - Pagtatayo ng mga floodways, dike, at mga "green spaces" na sumisipsip ng tubig.
06 | PAGHAHAMBING NG MGA SOLUSYON
Retensiyon at Detention Ponds
Bentahe: Naiipon ang labis na tubig-ulan para hindi bumaha sa kalye. Disbentahe: Malaki ang kinakailangang espasyo at maaaring pamahayan ng lamok.
Wastong Pagtatapon ng Basura
Bentahe: Mura at kayang gawin agad ng bawat tao sa komunidad. Disbentahe: Mahirap baguhin ang nakasanayang ugali at disiplina ng mamamayan.
Reforestation
Bentahe: Likas na sumisipsip ng tubig at pumipigil sa landslide. Disbentahe: Matagal bago lumaki ang mga puno para maging epektibo.
07 | ANG PINAKAMATALINONG DESISYON
08 | PAANO ITO MAISASAGAWA?
Linisin nang regular ang mga kanal at estero upang maiwasan ang pagbabara at pag-apaw ng tubig.
Ayusin at pagbutihin ang drainage at flood control systems sa mga lugar na madalas bahain.
Magbigay ng malinaw na babala at impormasyon tungkol sa paparating na bagyo at baha.
Hikayatin ang mga tao na tamang magtapon ng basura upang hindi ito mapunta sa mga kanal at ilog.
Magtanim ng mas maraming puno at pangalagaan ang kalikasan upang makatulong sa pagbawas ng epekto ng pagbaha at climate change.
09 | INAASAHANG RESULTA
10 | KONKLUSYON
Ang problema sa baha ay hindi lang basta perwisyo sa kalsada. Isa itong malaking isyu na may kinalaman sa tapon ng basura, sirang kanal, at kaligtasan ng bawat isa.
Ayon sa datos ng PAGASA at NDRRMC, malaking banta pa rin ang baha sa ating bansa, lalo na sa mga pamilyang nakatira sa mga mababang lugar.
Para sa amin, ang pinakamagandang solusyon ay ang pagsasama ng matibay na flood control project, disiplina sa pagtatapon ng basura, at tamang kaalaman ng mga tao tuwing may kalamidad.
"Hindi natin mapipigilan ang ulan, pero kaya nating pigilan ang baha."